Voice of the Youth!


Panawagan ng Isang Kabataan Laban sa CPP-NPA-NDF




(isinalin sa Tagalog mula sa orihinal na bersyong Cebuano)

Ako po ay isang estudyante na pinalad na mabigyan ng iskolarship sa isang pampublikong unibersidad dito sa Maynila. Ako ay kasakuluyang nasa ikalawang antas ng kolehiyo sa kursong engineering. Pero ang aking pag-aaral ay nanganganib na matigil dahil sa isang trahedya na nangyari sa aking bayang sinilangan sa probinsya ng Surigao del Norte. Nitong buwan na ito, sinalakay ng mga armadong NPA ang Taganito Mining Company kung saan ang aking ama ay namamasukan bilang driver ng heavy equipment vehicle. Sa kasamaang palad, isa ang sasakyan na minamaneho ng aking ama sa mga sinunog ng NPA. Dahil ang sasakyang minamaneho ng aking itay ay nasa ilalim ng sub-contract na kasunduan ng TMC at ng kompanyang nagmamay-ari nito, kasakuluyang naka suspende ang operasyon dahil sa malaking pinsala na tinamo. Samakatuwid, wala po ngayong trabaho ang aking ama na siyang nag iisang inaasahan ng aming pamilya na may walong magkakapatid. Dahil dito, ako po ay mapipilitang huminto sa pag-aaral upang makatulong sa aking mga magulang na magbanat ng buto para sa pang araw-araw naming pangangailangan.

Ang dalawa kong kapatid na nasa high school ay mapipilitan din na tumigil muna sa pag-aaral dahil sa aming sinapit. Ngayon, labis ang poot na aking nararamdaman sa mga walang kaluluwang NPA na sumira sa kinabukasan ng aking pamilya. Ang buong akala ko na ang pinaglalaban ng kanilang pakikibaka ay para sa mahihirap na katulad namin pero ito pala ay isang malaking kahibangan. Hindi lang po ang aking ama ang nawalan ng hanapbuhay sa mga nangyaring pag atake ng NPA. Marami pang pamilya ang may parehong karanasan na mawalan ng trabaho ang kanilang mga kamag-anak dahil sa pagtigil ng operasyon ng mga kompanya hindi lang sa minahan pati na rin sa agrikultura at pagtotroso. 

Hindi ko maiwasan itanong sa sarili, ilan pang manggagawa ang mawawalan ng hanapbuhay? Ilan pang pamilya ang mamamatay sa gutom? At ilan pang kabataan ang masisira ang kinabukasan? Dahil sa walang habas na pagyurak ng CPP-NPA sa karapatang pantao ng milyong milyong Pilipino.

Panahon na para tayong mga kabataan ay mamulat sa katotohan. Huwag na tayong magpalinlang sa mga litanyang binibigkas ng mga alagad ng CPP-NPA-NDF dahil lalo lang tayong malulugmok sa kahirapan. NASA EDUKASYON ANG TOTOONG SUSI NG ATING PAG-UNLAD AT WALA SA ARMADONG PAKIKIBAKA. Wakasan na ang pagalalapastangan ng CPP-NPA-NDF sa karapatang pantao ng mga Pilipino!

- Malayang Filipino
(Photo credit to Minda News)

1 comment:

  1. CPP-NPA-NDF, no.1 human rights violator dito sa Pilipinas.Let the voice of the silent majority be heard. End the violence perpetrated by the criminal syndicate called CPP-NPA-NDF! YES to true DEMOCRACY! NO to COMMUNISM!

    ReplyDelete